Mga opisyal ng barangay dapat may civil service eligibility - Remulla

IMINUNGKAHI ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na gawing requirement ang civil service eligibility para sa mga punong barangay, treasurer at administrator, dahil kabilang sila sa mga frontline service provider ng pamahalaan.
Ayon kay Remulla, dapat tiyakin na mahusay at episyente ang serbisyo ng mga opisyal ng barangay dahil sila ang unang nilalapitan ng mga mamamayan para sa iba't ibang pangangailangan.
Sa kasalukuyan, kabilang sa mga pangunahing kwalipikasyon ng mga naghahangad na maging barangay official ang pagiging residente ng Pilipinas, rehistradong botante sa lugar kung saan tatakbo, at marunong bumasa at sumulat.
Wala sa kasalukuyang requirements ang civil service eligibility.
Sinabi rin ni Remulla na dapat pag-isipan ang pagkakaroon ng civil service eligibility requirement para sa mga naghahangad na maging pangulo, bagama’t sinabi niyang mas dapat munang pagtuunan ng pansin ang mga usapin sa barangay.
“Dahan-dahan, isa-isa 'yan,” ani Remulla, habang binabanggit ang pangangailangang muling suriin ang kasalukuyang sistema ng barangay.
Kasabay nito, kailangan din umanong pag-isipang mabuti ang sistema ng barangay, kabilang ang usapin sa paggamit ng pondo sa pinakamababang antas ng pamahalaan.
Hindi naman siya nagbigay ng mga detalye hinggil sa kanyang mungkahi.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
