Back to HomeNation

463 bakanteng pwesto ng Hukom sa buong bansa nakadaragdag sa backlog ng mga kaso

NI JG TumbadoSeptember 11, 20262 min read0 views
463 bakanteng pwesto ng Hukom sa buong bansa nakadaragdag sa backlog ng mga kaso
Share:

UMABOT sa 463 ang bakanteng puwesto ng mga hukom sa iba’t ibang korte sa bansa, na sinabing nakadaragdag sa patuloy na backlog o naipong mga kaso sa mga hukuman.

Ito ang inihayag ni Supreme Court Administrator Theresa Dolores Gomez-Estoesta sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng panukalang badyet ng hudikatura.

Ayon kay Gomez-Estoesta, may ilang korte na nananatiling “unorganized” dahil hindi pa naglalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng Notice of Staffing and Classification Action (NOSCA).

Ang NOSCA ay dokumentong inilalabas ng DBM na nagbibigay-awtorisasyon para sa paglikha at pagpopondo ng mga posisyon ng hukom at iba pang court personnel.

“If there is no NOSCA yet issued, we call it the unorganized courts. And despite the fact that we want to fill them in, we cannot do so because of the lack of a NOSCA,” ani Gomez-Estoesta.

Sinabi niyang kailangang hintayin muna ang NOSCA bago mapunan ang 463 bakanteng posisyon.

“Dahil unfilled po yung 463, kailangan po talaga na antayan namin ang NOSCA,” aniya.

Umaasa naman si Gomez-Estoesta na matutugunan ang problema sa ilalim ng Fiscal Autonomy Act, na magbibigay sa DBM ng 120 araw para aksyunan at ilabas ang kinakailangang NOSCA.

“Hopefully this will be remedied by the Fiscal Autonomy Act because the DBM po ay nabibigyan lang po siya ng 120 days para i-issue po siya,” aniya.

Kung hindi pa rin maibibigay ang kinakailangang pondo para sa mga posisyon, sinabi ng court administrator na maaaring magsagawa ang Supreme Court ng iba pang naaangkop na hakbang upang matiyak ang kanilang pagpopondo.

Related Articles