Back to HomeRegions

P6.8-M shabu nasabat sa Batangas City

Ni Edward VillosoSeptember 3, 20262 min read0 views
P6.8-M shabu nasabat sa Batangas City
Share:

BUMAGSAK sa kamay ng pulisya ang isang hinihinalang high-value individual matapos masilo sa buy-bust operation ang tinatayang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa Barangay Balagtas, Batangas City.

Isinagawa ang operasyon bandang alas-9:35 ng gabi noong Setyembre 2 ng pinagsanib na puwersa ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), PDEA Batangas at Batangas City Component Police Station.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Utoy,” 24, na tubong Alfonso, Cavite at kasalukuyang naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa mga awtoridad, isang malaking pakete ng puting mala-kristal na substance o hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek.

Tinatayang isang kilo ang bigat nito at may halaga umanong P6.8 milyon batay sa DDB valuation.

Bukod sa droga, narekober din ang P1 milyong boodle money na ginamit sa operasyon. Binubuo ng P1,000 bill at 999 pekeng P1,000 bills bilang marked money.

Nasamsam din ang isang Redmi cellphone, blue-gray backpack at P500 cash. Ayon kay BPPO Provincial Director PCOL Oliver B. Ebora, hindi lulubay ang pulisya sa pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga sa Batangas.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Related Articles