Back to HomeNation

TD Pilandok, ganap ng isang Bagyo

NI JG TumbadoSeptember 1, 20262 min read0 views
TD Pilandok, ganap ng isang Bagyo
Share:

LUMAKAS pa ang Tropical Depression Pilandok at naging ganap ng bagyo nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pinakahuling Tropical Cyclone Formation Outlook, sinabi ng PAGASA na ganap na naging tropical storm ang Pilandok na may international name Krovanh, bandang alas-8 ng umaga habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Bahagya pang lumakas ang bagyo, taglay ang maximum sustained winds na 65 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.

Huling namataan ang Krovanh may layong 1,060 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon bandang alas-8 ng umaga.

Samantala, tatlo pang sama ng panahon na nasa labas ng PAR ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Kabilang dito ang Tropical Storm Saudel, na huling namataan may layong 900 kilometro kanluran ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras, habang pumapalo sa 90 kilometro kada oras ang pagbugso.

Ayon pa sa PAGASA, isa pang tropical depression ang humina at naging low pressure area (LPA).

Dahil dito, maliit ang posibilidad na muli itong maging ganap na tropical cyclone sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, isang LPA na nasa labas ng bansa ang patuloy na binabantayan at may katamtamang posibilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang galaw at posibleng paglakas ng mga weather disturbance na maaaring makaapekto sa

Related Articles