Grade 12 na babae, nahulihan ng loaded na. 45 baril

ISANG kargadong caliber .45 pistol ang nadiskubre sa loob ng motorsiklo ng isang 17-anyos na babaeng estudyante sa isinagawang security inspection sa Notre Dame College of Matalam sa North Cotabato nitong Huwebes.
Ayon kay Police Brig. Gen. Alan Manibog, direktor ng Police Regional Office-12, natagpuan ng isang school security guard ang baril na nakalagay sa loob ng isang itim na sling bag sa compartment box ng motorsiklo.
Ang motorsiklo ay minamaneho umano ng Grade 12 student na kinilala sa alyas na “jenny” ng Barangay Poblacion, Matalam.
Natukoy ng pulisya ang armas bilang isang Model 1911 U.S. Army caliber .45 pistol, na may magazine na naglalaman ng walong bala.
Agad na sinicure ng mga pulis ang baril at dinala ang estudyante sa Matalam Municipal Police Station para sa assessment at intervention.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pag-aari umano ng ama ng estudyante ang baril at nakalimutan umano nitong alisin mula sa motorsiklo bago ito gamitin ng kanyang anak papunta sa paaralan.
Kasalukuyang bineberipika ng mga awtoridad kung lisensyado ang naturang baril at kung legal na gun owner ang ama ng estudyante.
Ayon naman kay Police Lt. Col. Marvin Hugos, hepe ng Matalam police, isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang baril at mga bala para sa dokumentasyon, beripikasyon at kaukulang disposisyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente, habang maingat umanong isinasagawa ng pulisya ang proseso upang maiwasang magdulot ng karagdagang trauma sa menor-de-edad na estudyante.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
