Police Major, 2 suspek patay sa Engkwentro sa buy bust ops

PATAY ang isang police intelligence officer at dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation laban sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Pagadian City madaling-araw nitong Linggo, Agosto 23.
Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing pulis na si Police Maj. Aiman Khuzaimah Pantaran, 35, intelligence officer ng Pagadian City Police Station (PCPS) at residente ng Barangay Tiguma.
Pinangunahan ni Pantaran ang operasyon dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa Purok Malipayon, Barangay Dao, Pagadian City, laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa ilegal na pag-iingat at pagbebenta ng mga baril.
Sa kasagsagan ng transaksyon, ay nakahalata umano ang dalawang suspek na mga pulis ang kanilang kausap at bigla silang bumunot ng baril at pinaputukan sila Pantaran.
Tinamaan si Pantaran ng bala sa itaas na bahagi ng kanyang dibdib na agad niyang ikinasawi.
Habang ang mga suspek ay kapwa wala ng buhay na bumulagta matapos silang gantihan ng putok ng mga operatiba.
Sinubukan pang I revive si Pantaran sa Mendero Medical Center (MMC) subalit idineklara na siyang patay ni attending physician Dr. Alfaro Danilo dakong alas-12:50 ng madaling-araw.
Dinala sa isang funeral home sa lungsod ang mga labi ng dalawang suspek, habang iniuwi naman sa kanyang pamilya sa Barangay Tiguma ang labi ni Pantaran.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kabilang ang mga nasa likod ng malawakang ilegal na pagbebenta ng mga baril sa lalawigan.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
