Sandiganbayan inatasan ang BJMP ang pagkostudiya kay Romualdez

INATASAN ng Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isailalim nila sa kustodiya si dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Gomez Romualdez, na nananatiling naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Ang commitment order ay inilabas ni Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Third Division, sa isinagawang pagdinig sa mga mosyon ni Romualdez na humihiling na manatili siya sa ospital para sa kanyang gamutan.
Dahil dito, ang BJMP na ang magiging pangunahing kustodiya kay Romualdez sa halip na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na nagbabantay sa kanya mula nang siya ay maaresto noong Setyembre 7.
Ayon sa commitment order, na binasa ni Miranda sa bukas na pagdinig: “Alinsunod sa Resolution at Warrant of Arrest ng korte na kapwa may petsang Setyembre 7, 2026, ipinagkakatiwala namin sa inyo ang kustodiya kay FERDINAND MARTIN GOMEZ ROMUALDEZ na nahaharap sa kasong PLUNDER upang manatili bilang detainee. Hindi siya maaaring ilipat, alisin, ilipat sa ibang lugar, o palayain mula sa kustodiya maliban kung may utos ang korte.”
Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP), batay sa pinakahuling medical certification mula sa Cardinal Santos Medical Center, na hindi pa rin medically fit to travel si Romualdez.
Ang kopya ng commitment order na may petsang Setyembre 10 ay kalaunan ipinamahagi sa mga mamamahayag.
Nakatakda ang arraignment ni Romualdez sa Setyembre 14.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
